Sabado, Pebrero 4, 2012

Lalaban Ako..
ni: Mark Anthony M. Reyes

Siraan man ako ng iba
Di pa rin, papipigil
Awayin man ako ng iba
Di pa rin, paaawat.

Magtiwala sa iyong sarili
 At tandaan ikaw ay may tapang
O di kaya’y ikaw ay may lakas
At malaman niyo, ako’y palaban.

Chorus
Lalaban ako
Di ako, di ako patatalo
Pagkat tiyak kong ako’y may lakas
Lalaban ako
Abutin aking pangarap, nang walang hadlang
Walang hadlang

Minsan madarama ko ang mga inggit na tao’y
Nanggugulo sa iyong buhay
At ikaw ay hinihila, pababa’t paurong
Magtiwala sa iyong sarili
 At tandaan ikaw ay may tapang
O di kaya’y ikaw ay may lakas
At malaman niyo, ako’y palaban.
 ( Repeat Chorus )

Bridge:
Huwag ninyong agawin
Aking pangarap
Lagi niyong isipin, ako’y lalaban
Lalaban ako ohhhh…
Lalaban ako….
 ( Repeat Chorus )

Tagumpay ko ito
Tagumpay ko ito
Lalaban Ako, lalaban ako, lalaban ako
Para sa tagumpay

Miyerkules, Disyembre 28, 2011

Bagong Taon, Bagong Pagasa

 
      Sa ulo ng mga nagbabagang balita : Bagyong Sendong nanalasa at hinagupit ang Mindanao, ilang mga probinsya nagmistulang ilog, Daang- daang buhay inagaw at libu-libong mga ari-arian nasayang, Ilang mga naapektuhan na probinsya paano kaya makakabangon?
         Iyan ang lagi nating naririnig sa mga radyo, napapanuod sa mga telebisyon, at nababasa sa mga pahayagan. Maramdaman pa kaya ng mga nabiktima ng masalimuot na kapalaran ang Bagong Pagasa, ang Bagong Buhay, ang Bagong Pagbangon, at ang Bagong taon? Isa na namang taon ang nalagas, sapagkat ang panibagong masiglang taon ay nagbabadya na! Ngunit para sa mga taong nahaharap sa panibagong dagok, kung saan ang Bagyong Sendong ay umagaw ng mga maraming buhay sa isang sulyap lamang at ito'y walang pinili bata man o matanda; kaya't ito na ata ang pinakamalungkot na bagong taon na kanilang mararanasan at makakamtan. Wala naman tayong masisi sapagkat ito ay ganti ng ating Inang kalikasan sa mga pagpapabaya dito. 
         Resulta nito ay mistulang mabura na sa mapa ang mga bayang nalubog sa napakataas at nakagugulat na baha. Ngunit sa bawat pagsubok at dagok na nararanasan na riyan ang mga kapwa nating may mabuting puso na lagi handang tumulong sa mga naging biktima. Ika nga ang tunay na diwa ng pasko ay ang pagbibigayan at pagtulong sa mga nangangailangan. Ano pa man ang mga suliranin at problemang dumating sa ating mga Pilipino na riyan pa rin tayo hinaharap ito ng may ngiti sa puso. Kaya ang pagtutulungan sa gitna ng suliranin ay napakahalagang sandata upang maibangon ang bagong buhay.  Basta ang pinakamahalaga ay ang pananampalataya sa ating Dakilang lumikha. Kaya ano man ang mangyari salubungin ang Bagong Taon ng may Bagong Pagasa.